Natonin, Mountain Province
Regional

Patay sa landslide sa Natonin, Mt. Province, nasa 17 na

PUMALO na sa 17 ang bilang ng patay sa pagguho ng lupa sa Natonin, Mountain Province.

Ang lupa ay tumabon sa gusali ng Department of Public Works And highways (DPWH).

Kinilala ni Natonin Mayor Mateo Chiyawan ang huling narekober na bangkay na si Rogelio Alubong,

Si Alubong ay isang security guard ng natabunang gusali ng DPWH.

Sinabi ni Chiyawan na dalawa pa sa mga narekober na bangkay ay hindi pa nakikilala.

Kasama na ang isang bangkay na natagpuang pugot ang ulo.

Habang 12 pa umano ang hindi nahahanap mula sa natabunang gusali.

Kaugnay nito, pinalawig pa ng lokal na pamahalaan ng Natonin ang massive retrieval operation hanggang Biyernes Nobyembre 9.

Ito’y  sa halip na ngayong araw ng Lunes nobyembre 5.

Magpapadala naman si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) usec. Ricardo Jalad ng panibagong rescue team.

Tutulong ang mga ito sa retrieval operation simula bukas ng Martes.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *