Pastor Apollo C. Quiboloy
National

Pastor Apollo c. Quiboloy, muling nakatanggap ng honorary doctoral titles

MULING nakatanggap ng pagkilala mula sa prestihiyosong Royal Institution Singapore ang butihing Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Iginagawad sa butihing Pastor sa isinagawang 20th International Conference and Conferment Ceremony ang mga titulo.

Ginanap ang seremonya sa Jose Maria College sa Davao City.

Kabilang sa iginawad ang Doctor Fellow of Intl Relations, Doctor Fellow of Human Resource and Management, Doctor Fellow of Social Work, at Doctor Fellow of Education.

Magugunita naman na una ng nakatanggap ng Honorary Doctoral Titles mula sa Royal Institution ang butihing Pastor.

Naganap ang unang paggawad nito lamang unang bahagi ng taon na isinagawa sa Singapore.

Ang naturang mga parangal ay bilang pagkilala sa mga nagawa at kontribusyon nito sa sosyedad at maging sa buong mundo.

Abangan naman ang karagdagang detalye ng balitang ito dito sa SMNI News Channel at sa mga programa ni Pastor Apollo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *