pagbili ng lambanog
Metro

Pasig City Health Office, nagbabala sa pagbili ng Lambanog

Pinag-iingat ng Pasig City Health Office ang publiko sa pagbili ng lambanog.

Kasunod ito ng pagdami ng mga namamatay dahil sa lambanog kung saan umabot na sa 21 ang nasawi habang 87 ang inoobserbahan.

Sa babala ng Pasig Health, pinapayuhan ng mga ito ang publiko na pansamantalang huwag munang tangkilikin ang pagbili ng lambanog na may tatak na “Bossing Tomador” Pure Lambanog.

Pinapayuhan din ang lahat ng tindahan na huwag muna itong itinda hangga’t walang clearance notice mula sa kanilang tanggapan.

Hiniling naman ng Pasig Health ang tulong ng mga kapitan ng barangay sa lungsod para sa pagpapatupad ng babala.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *