buwan
International

Space X, ipapakilala na ang kauna-unahang pasahero sa buwan

ISANG nakakaintrigang Tweet ang ipinalabas ng aerospace company na Space X sa Twitter noong Huwebes ng gabi.

Nakasign-up na umano ang kanilang pinakaunang private passenger na bibiyahe sa buwan sakay ng kanilang Next Generation Big Falcon Rocket.

Pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ng nasabing pasahero na ipapakilala pa lamang sa darating na Lunes, Setyembre 17.

Tanging Japanese flag emoji lang ang isinagot ng Space X founder na si Elon Musk ng tanungin tungkol sa identity ng kanilang private passenger.

Ang karagdagang detalye ay ihahayag umano ng kompanya sa Lunes, alas 9 ng gabi, eastern time.

Ayon sa Space X, ang nasabing lunar mission ay isang mahalagang hakbang upang magkararoon ng access ang sinuman na bumiyahe sa kalawakan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *