Metro

Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), pinasinayaan na

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng PITX.

Tinagurian itong unang landport sa bansa dahil ang mga pasilidad at serbisyo nito ay katulad sa paliparan.

Inilarawan ang terminal bilang unang integrated at multi-modal terminal sa timog kanlurang bahagi ng Metro Manila.

Magiging transfer point ito ng mga provincial bus mula Cavite, Batangas at in-City modes of transportation.

Dahil sa PITX, inaasahang mababawasan ang bilang ng mga pamprobinsyang bus na bumabaybay sa Metro Manila.

Lalo na sa Taft Avenue-Pasay, EDSA.

Ang PITX din ang kokonekta sa LRT Line 1 extension sa Bacoor, Cavite na inaasahang makukumpleto sa taong 2021.

Walang terminal fee sa PTIX – DOTR

TINIYAK ng Department of Transportation (DOTR) sa publiko na walang ipapataw na terminal fee sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon sa ahensya, ang concessionaire ng PITX ang gagawa ng leasable areas na maaring gawing commercial phases.

Ito ang kanilang pagkakakitaan para hindi na kailangang singilin ng terminal fee ang mga pasahero.

Sinabi ng DOTR na tatagal ng 35 taon ang kontrata nila sa Megawide.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *