Papua New Guinea
International

Papua New Guinea at Indonesia, niyanig ng malalakas na lindol

NIYANIG ng apat na magkakasunod na lindol ang New Britain Island sa Papua New Guinea.

Isang Magnitude 5.5 na lindol na may lalim na 10 km ang unang tumama sa bayan ng Porlo Bandang 6:45 ng umaga local time ng lugar.

Makalipas lamang ang tatlong minuto ay niyanig ulit ito ng Magnitude 7.0 na lindol na sinundan ng Magnitude 5.3 at 5.4 makalipas ang 25 minuto.

Binawi naman ng Pacific Tsunami Warning Centre ang tsunami warning sa isla makalipas ang ilang oras matapos ang mga naturang pagyanig.

Samantala, niyang ng Magnitude 6.0 na lindol ang isla ng Java at Bali, Indonesia ngayong araw.

Tatlo ang naiulat na nasawi sa pag-collapse ng isang building sa Java habang wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa Bali.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *