PAO
National

PAO, kukwestyunin ang Anti-Tambay campaign sa Korte Suprema

Inihahanda ng Public Attorneys’ Office (PAO) ang mga dokumentong kakailanganin para sa kanilang magiging aksyon kaugnay sa ipinatutupad ng kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga tambay.

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda Acosta, sa oras na makumpleto ng kanilang legal team ang mga kailangang dokumento ay agad nila itong ihahain sa Korte Suprema para ipawalang-bisa ito.

Base sa Saligang Batas, hindi naaayon sa Konstitusyon ang naturang polisiya na pag-aresto sa mga tambay na wala namang ginawang paglabag sa batas.

Ayon sa PAO chief, “Sa ngayon po ay naghahanda na kami ng mga dokumento para ipa-declare na unconstitutional ‘yan. Dahil kapag ang ordinansa ay kumokontra sa national laws gaya sa Revise Penal Code ay hindi pwede yang mga ordinansa na yan.”

Kasunod ng ginawang paglilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag arestuhin ang mga tambay ay pinag-utos na rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang hindi pag-aresto ng mga tambay.

Ayon kay C/Supt. Eleazar, “Last week, nagbigay ako ng direktiba na we will no longer use in our report and interview the word ‘tambay.’ It should be violators of city ordinances, local ordinances and laws.” 

Kasunod nito, ipinag-utos rin ng NCRPO Chief ang hindi paggamit ng salitang “tambay” sa kanilang isinasagawang operasyon laban sa mga lumalabag sa local governemnt ordinance.

SMNI News

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *