panawagan
National

PAO chief Acosta, pinagbibitiw sa puwesto si DOH Sec. Duque

MATAPANG na pinanawagan ni PAO Chief Fersida Acosta ang panawagan kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque.

Ayon kay Acosta na bumaba na sa kanyang puwesto si Duque o magresign na.

Sinabi ni Acosta, tama na sobra na at huwag ng hintayin pa na maraming mamatay na kabataan nabakuhan ng Dengvaxia.

Tinawag pa ni Acosta at mga magulang namatayan ng binakuhan ng Dengvaxia na kapit tuko sa puwesto.

Ayon kay Acosta kahapon ay nasa 99 nang kabataan ang namatay ay dahilan sa bakuna ng Dengvaxia.

Matapos itong suriin ni PAO Dr. Erwin Orfe, isang forensic expert.

Aniya sa ngayon, ay umabot na sa isang daan ang bilang ng nasawi.

Kabilang ang taga  Bulacan at nakatakda suriin ito ni  Dr.Orfe.

Sinabi ni Acosto, hindi na dapat palawigin pa sa puwesto si Duque, na tinatago ang tunay na katutuhan.

Ayaw aniya umamin na ang mga namatay ay dahil sa bakuna ng Dengvaxia.

Ayon kay Acosta, kabilang sa sasampahan ng kasong murder sina dating DOH Secretary Janet Garin at kasalukuyan DOH Secretary Francisco Duque.

Kabilang din sa sasampaan ang iba pang opisyal ng DOH at mga opisyal ng Sanofi Dengvexia.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *