PAO
National

PAO Chief Acosta, hindi magbibitiw sa pwesto

NANINDIGAN si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta na hindi siya magbibitiw sa pwesto.

Kasunod ito ng panawagan ni Senador Risa Hontiveros na magbitiw na lamang sa puwesto si Acosta.

Dahil sa kasinungalingan nito sa imbestigasyon sa Dengvaxia vaccine.

Sinisisi ni Hontiveros kay Acosta ang pagkamatay ng nasa animnapung mga bata dahil sa tigdas.

At ang outbreak sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa takot ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Sinabi ni Acosta na hindi siya ang   dapat ang sisihin dito kundi mismong ang mga taga Department of Health (DOH).

Nilinaw nito na bago pa man pumutok ang isyu sa Dengvaxia ay mababa na ang bilang ng mga nagpapabakuna.

Ayon kay Acosta, ang ginagawa lamang nila sa PAO ay tulungan ang mga biktima ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *