National

Panukalang batas na bubuo ng Department Of Disaster Resilience, isinusulong sa kongreso

UMAASA si Albay Rep. Joey Salceda na ipa-prayoridad ng Kongreso ang panukalang batas na lilikha ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Ayon kay Salceda na siyang may-akda ng DDR bill, lubhang kailangan na ng bansa ang isang ahensya gaya ng DDR na tutugon sa malimit na kalamidad sa bansa.
Sa nasabing panukala, apat na kasalukuyang ahensiya ay isasailalim sa DDR, kabilang dito ang PAGASA, PHILVOCS, GeoScience Bureau at Bureau of Fire Protection.
Sa paghihiwalay ng taong 2017 at 2018 ay hinagupit ng Bagyong Agaton ang ilang bahagi ng Mindanao kung saan daan-daang katao ang nasawi at maraming mga pananim at ari-arian at imprastraktura ang sinira at sinalanta.
Samantala, pangatlo ang Pilipinas sa 172 na bansang lubhang daanan ng mga natural calamities at nasa pang-13 naman sa Climate Change Vulnerability Index.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *