PIRMA na lamang
National

Panukalang 2019 nat’l budget, pirma na lamang ng pangulo

PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang panukalang 2019 General Appropriations Act o P3.757T national budget.

Ito ay matapos na maratipikahan ng Senado ang panukalang budget matapos itong unang maaprubahan sa Bicameral Conference Committee.

Sa botong 15 pabor at 5 hindi pabor ay lumusot sa Senado ang panukalang budget.

Kabilang naman sa mga hindi bumoto pabor sina Senador Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Bam Aquino.

Kabilang din si Panfilo Lacson na una ng nagbunyag ng anomalya sa naturang budget.

Bagamat inabot ng ilang pagkondena, maayos na nairaos ng Senado ang pagpasa bilang batas sa 2019 proposed national budget.

Welcome development naman para sa Palasyo ang pagkakapasa ng panukalang budget ngayong 2019.

Tiniyak naman ng Palasyo na makakaasa ang publiko sa pag-unlad pa ng bansa bunga ng mga isinusulong na infra projects ng pamahalaan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *