2019 National Budget
National

Panukalang 2019 National Budget walang-sapat na panahon para busisiin

WALA ng sapat na oras ang Senado para pag-aralan ang “lump sums” at iba pang isiningit sa panukalang 2019 National Budget.

Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Economic Affairs Panel.

Bagaman kailangan aniyang busisiin nang mabuti ang General Appropriations Bill dahil sa mga pagbabago at insertions ng Kamara.

Ayon kay Gatchalian, sa kanyang karanasan ay halos isang buwan ang kailangan para talakayin ang budget.

Dahil kung hindi ito pag-aaralan ng isa-isa ay magkakaroon ng mga problema, lalo na sa lump sum amounts.

Samantala, iginiit ni Senate President Vicente Tito Sotto III na walang ibang dapat sisihin.

Kung hindi maipapasa ang 2019 budget bago matapos ang taon kundi ang house of representative.

Aniya, sakaling maaprobahan ito ng Senado sa susunod na linggo gugugol pa rin ito ng oras para sa bicam at pag-iimprenta.

Duda si Sotto na maipasa ngayong taon ang budget.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *