National

Panibagong bersyon ng BBL, ipinanukala ni Rep. Arroyo

 
Naghain si Dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo NG kanyang sariling bersyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sa kanyang inihaing House Bill 6121 o ang proposed “Basic Act For the Bangsamoro Autonomous Region,” target ni Arroyo na makabuo ng panibagong batas na papalit sa Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM).
Nakasaad sa kanyang panukalang batas ang pagkakaroon ng panibagong political division na tatawaging Bangsamoro Autonomous Region (BAR).
Bubuuin daw ito ng mga lugar na sakop ng geographical area ng ARMM.
Kabilang na dito ang Cotabato at Isabela City sa Basilan, at anumang probinsya o lungsood na pasok o labas sa geographical area ng kasalukuyang ARMM na mayroong local government unit resolution o petisyon ng nasa 10% ng mga rehistradong botante na nagnanais sa pagkakasama nito sa BAR 2 buwan bago ang pagsasagawa ng Plebesito para sa basic law nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *