ibang lugar
National

Pangunahing international gateway, dapat i-prayoridad

Dapat iprayoridad ng pamahalaan ang paghahanap ng pangunahing international gateway.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, ito ay dahil posibleng tumagal lamang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa susunod na 10-20 taon.
Sinabi ni Monreal na maaring i-develop ang bagong paliparan sa loob ng halos anim na taon at kailangan itong magkaroon ng network connectivity para maging ideal.
Kailangan rin aniya ng dalawang runway o parallel runways ng paliparan para maiwasang maulit ang pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines sa NAIA.
Gayunman, binigyang-diin ni Monreal na masyadong mahal ang pagpapagawa ng parallel runway.

MIAA GM Ed Monreal, hindi magbibitiw sa pwesto

Ibinasura ni MIAA General Manager Ed Monreal ang mga panawagan na magbitiw siya sa pwesto.
Ito ay kasunod ng aberya sa mga flight sa naia dahil sa sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines sa runway.
Ayon sa opisyal, magbibitiw lamang siya sa pwesto kung ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanindigan si Monreal na ginawa niya at ng kanyang buong team ang lahat para pangasiwaan ng mabuti ang insidente.
Una nang sinabi ni Monreal na responsibilidad ng Xiamen Airlines na alisin ang kanilang eroplano sa runway pero kumilos sila dahil baka abutin pa ng isang linggo kung hihintayin ang airline company.

SMNI News1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *