umaasa
National

Pangulong Duterte, umaasa na magiging matagumpay ang peace talks

Samantala, umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng magandang resulta ang muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng grupo na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa talumpati ng pangulo sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, sinabi ng pangulo na sana maawa ang Diyos at matapos na ang gulo sa Pilipinas.

Aniya, oras na magbunga ang peace talks sa rebeldeng grupo, ang mga Moro na lang sa Mindanao ang kanyang magiging problema depende sa magiging resulta ng binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL) ng kongreso.

Umaasa naman ang pangulo na maipapasa ang BBL sa kongreso.

Matatandaan na kasabay ng sine die adjournment ng dalawang kapulungan ng kongreso ang pagkakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng BBL.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *