magbakasyon
National

Pangulong Duterte, pinayuhang magbakasyon muna

“Guys, I want you to know that I am thinking of stepping down because I’m tired.

While I am not against or angry against anybody, my chase against graft and corruption seems to be endless and it has contaminated almost all government departments and offices.”

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng iba’t ibang kinatawan ng Government Owned and Controlled Corporations o GOCC’S.

Ayon sa pangulo, pagod na ito sa mga nangyayaring katiwalian sa gobyerno na kumalat na hanggang sa maliliit na ahensiya ng pamahalaan.

Kaya naman, sumasagi sa kanyang isipan na magbitiw na lang sa pwesto.

Magugunita na nitong nagdaang araw, ipinag-utos ng pangulo ang pagsibak sa nasa 20 opisyal ng AFP at ng V. Luna Medical Center.

Payo ni Finance Secretary Carlos Sonny Dominguez sa pangulo na magbakasyon muna para makapagpahinga.

Aniya, malaki ang maitutulong nito sa pangulo upang makapagmuni-muni at makapagpagaan ng pakiramdam.

Ayon sa finance secretary, maayos na ginagawa ng kapwa niya gabinete ang lahat ng kanilang tungkulin na mapabuti ang estado ng bansa kung kaya’t walang dapat ikabahala ang pangulo.

Sa ngayon, nasa pasya ng pangulo kung tatanggapin nito ang kanyang mungkahing bakasyon.

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *