National

Pangulong Duterte, pinagbakasyon si ex-Customs Commissioner Faeldon

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Commissioner Nicanor Faeldon na magbakasyon muna.
Ito ay matapos maharap sa kontrobersiya si Faeldon kasunod ng pagkakalusot ng 6.4 billion worth ng shabu sa Customs.
Paliwanag ni duterte na bilang respeto kay faeldon ay nais muna nitong matapos ang imbestigasyon na isinagawa ng senado at kamara.
Pero dahil marami na rin ang nanawagan na magbitiw sa pwesto si Faeldon at talong beses na rin ito nagsumite ng resignation sa kaniya kaya tinanggap na rin nito ang desisyon ng Customs Commissioner.
Si PDEA Chief Isidro Lapeña naman ang pinangalanan ni Pangulong Duterte na siyang papalita kay Faeldon sa Customs. – Hannah Jane Sancho – SMNI News Channel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *