Araw ng Kalayaan
National

Pangulong Duterte, nanguna sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Sa unang pagkakataon, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon ng ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sa talumpati ng pangulo, iginiit nito na isang karangalan at prebilehiyo ang pangunahan ang naturang selebrasyon.

Kasabay nito, humingi naman ng tawad ang pangulo dahil sa late na itong dumating sa Kawit, Cavite.

Ipaglaban ang kalayaan – VP Robredo

Samantala, pinangunahan naman ni Vice President Leni Robredo ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa bantayog ni Rizal sa Maynila.

Sa talumpati nito, hinimok ni Robredo ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang kalayaan sa tila panibagong hamon na kinahaharap kabilang na sa paglaganap ng kahirapan kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at  sa kawalan ng hustisya.

Sen. Legarda, nanguna sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Pinaglabanan Shrine

Nanguna naman sina Senadora Legarda at JV Ejercito sa paggunita ng kalayaan sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

Iginiit ni Legarda na mahalagang maging malaya ang mga Pilipino sa kahirapan, sakuna, pagkasira ng kalikasan, at pagkalimot sa ating kultura.

SMNI News

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *