National

Pangulong Duterte, nakatakda nang lagdaan ang mga panukalang 10-year validity ng passport at 5 years sa driver’s license

Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para sa Senate Bill 1365 na nag-aamyenda sa Republic Act 8239 kung saan mula sa kasalukuyang bisang 5 TAON NG PASAPORTE, magiging 10 taon at Senate Bill 1449 na mag-aamyenda sa isang probisyon ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code kung saan mula sa kasalukuyang 3 taon, gagawin ng 5 taon ang bisa ng driver’s license.
Ang Senate Bill 1365 ay inakda ni Senador Richard Gordon habang ang Senate Bill 1449 ay inakda naman ni Senador Grace Poe.
Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Meynard Guevarra, inirekomenda na nila sa Pangulo ang naturang mga panukalang batas na kailangang malagdaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *