estudyante
National

Pangulong Duterte, itinuring na bayani ng isang estudyante

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani, walang alinlangang itinuring ng isang estudyante si Pangulong Duterte bilang kanyang bayani dahil sa mga nagawang polisiya at programa sa ilalim ng kanyang panunungkulan sa bansa.

Ayon kay RJ Igana ng Pateros National High School, sa kanyang pagdalo sa wreath laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw, ipinagmalaki niya ang pangulo bilang kanyang natatanging bayani sa kanyang henerasyon.

Naniniwala si Igana na kung hindi daw sa pangulo, hindi mabubuksan ng publiko ang kanilang kamalayan sa tunay na nangyayaring sa bansa gaya ng kriminalidad at iligal na droga.

Napansin nito ang malaking galit ni Duterte sa mga korap kung kayat karapat dapat lang aniya ito na kilalanin ang mga gawa ng pangulo

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang isang seremonya sa pag-alala sa kabayanihan ng mga beteranong sundalo at pulis at mga personalidad na nagbigay ng karangalan at kabayanihan sa bayan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *