Duterte
National

Pangulong Duterte, humingi ng paumanhin sa Diyos

Nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos.

Ito ay matapos tawagin ni Pangulong Duterte na “stupid God” o bobo ang Diyos.

Ginawa ng pangulo ang paghingi ng tawad sa Diyos sa kanyang pakikipagpulong kay Jesus Is Lord church leader Brother Eddie Villanueva.

Iginiit ni Duterte na ang kanyang pahayag ay kaugnay sa mga maling paniniwala ng katoliko sa konsepto ng tukso ni Adan at Eba.

Nanawagan din ang pangulo sa publiko na huwag gamitin ang Diyos sa pambabatikos sa gobyerno.

Ikinalugod naman ng ilang senador ang naturang pahayag ni Duterte.

Ayon kay Senator Ping Lacson, nagpapasalamat siya sa Panginoon sa kaliwanagan na natanggap ng pangulo.

“I can only thank God for enlightening our President to make that humble apology. It shouldn’t matter much if it was my God or his God he is apologizing to, because there is only one God of the universe anyway,” Senator Panfilo Lacson

Umaasa naman si Senator Joel Villanueva, na maging daan na ang naturang pahayag ng presidente na magkaisa at respetuhin ng lahat ang bawat pananampalataya at relihiyon at tutukan nalang ang mga bagay-bagay na makakatulong sa pag-unlad ng bansa.

“I hope the President can lead us toward greater unity and respect for one’s faith and religion and to focus all energy on policies that can uplift the nation,” Senator Joel Villanueva

Isang welcome development naman para kay Senator Sonny Angara ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Duterte.

“Although there is a constitutional separation of church and state, many of our countrymen hold God and their religion very close to their hearts.” Senator Sonny Angara.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *