National

Pangulong Duterte, humiling na magkaroon ng compromise agreement kaugnay sa usapin ng kontraktwalisasyon

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nahihirapan itong ibalanse ang hinihiling ng labor sector at ng mga negosyante kaugnay sa usapin ng kontraktwalisasyon o endo.

Paliwanag ng Pangulong Duterte hindi din nito mapipilit ang mga kapitalista na ibigay lahat ng hiling ng labor sector dahil pera naman nila yun at ayaw manghimasok ng pamahalaan kung papaano nito patakbuhin ang kanilang negosyo.

Inihalimbawa pa ng pangulong Duterte ang sitwasyon sa Amerika at Hongkong na binabayaran na lamang ng employer ang kaniyang empleyado kung hindi nito nagustuhan ang kaniyang trabaho para makahanap ng iba.

Isa kasi sa nakikitang problema ng Pangulong Duterte ay maraming manggagawang naghahanap ng trabaho ngayon at isang compromise na lamang ang dapat mapagkasunduan upang maiwasan na magiging katanggap-tanggap sa parehong panig.

Sa katunayan aniya ay may clearance siya mula sa Office of the Ombudsman na wala siyang nakabinbing kaso sa Sandiganbayan maging sa National Bureau Of Investigation (NBI).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *