National

Pangulong Duterte, handang ipatupad ang deployment ban ng OFWS sa ibang bansa

Posibleng ipatupad din ng gobiyerno ng Pilipinas ang deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers (OFWS) sa iba pang bansa.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng ipinatutupad na total deployment ban sa Kuwait.

Naninindigan si Pangulong Duterte sa deployment ban sa Kuwait at hindi daw malayong magpasiya siyang ipairal din ito sa iba pang bansa.

Ayon sa pangulo, hindi siya papayag na mangibang bansa ang isang Pilipino para lamang babuyin at makaranas ng pagmamalupit at pang-aaabuso mula sa kanilang mga amo.

Aniya, nais niya para sa mga OFWS ang makabalik sa bansa at mabigyan ng pangkabuhayan sa Pilipinas.

Kaugnay nito, inatasan ng pangulo si Trade Secretary Ramon Lopez at iba pang miyembro ng gabinete na gawan ito ng paraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *