National

Pangulong Duterte, desididong magdeklara ng state of calamity sa Boracay

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang magdeklara ng state of calamity sa isla ng Boracay.

Ito’y kaugnay sa environmental at sanitary problems sa isla.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na kailangan niyang gawin ito dahil maraming pamilya ang maaapektuhan sa pagpapatupad ng batas.

Nanganganib din na posibleng magresulta sa pagsasara ng ilang negosyo sa Boracay.

Kasabay nito, binalaan din ni Pangulong Duterte ang regional trial court na mag-isyu ng Temporary Restraining Order o TRO sa anumang hakbang ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Ayon sa pangulo, magagamait ang calamity fund para matulungan ang mga maaapektuhan sa gagawing rehabilitasyon sa Boracay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *