Bagyong Usman
National

Pangulong Duterte, bibisitahin ang mga sinalanta ng Bagyong Usman

NAKATAKDANG bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte bukas sa Bicol Region na sinalanta ng Bagyong Usman.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, partikular sa pupuntahan ni Pangulong Duterte ang Camarines Sur.

Para mamahagi ng relief assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Sinabi ni Panelo na lubos na nalulungkot ang pangulo sa iniwang patay at pinsala ng bagyo.

Kaya nais nitong makita ang kondisyon ng mga biktima ng trahedya.

Dagdag pa ng kalihim na kuntento ang pangulo sa naging paghahanda at relief operation ng gobyerno sa mga binayo ng bagyo.

Iginiit ni Panelo na ginawa lahat ng ahensya ng gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya para maghanda sa bagyo.

Gayunman, sinabi nito na kailangan pa ng pamahalaan na mapabuti ang disaster mitigation efforts.

Para maiwasan ang casualty at pinsala sa mga susunod na kalamidad.

Samantala, sinabi ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella na patuloy at maayos ang isinasagawang restoration ng kuryente sa mga sinalanta ng bagyo.

Ayon kay Usec. Fuentebella, 78% sa mga munisipalidad, 71% na mga barangay at 87% sa mga kabahayan na binayo ni Bagyong Usman ay naibalik na ang kuryente.

Bilang ng mga nasawi sa Bagyong Usman, umabot na sa 122

UMABOT na sa 122 ang naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Usman nitong huling bahagi ng taong 2018.

Maliban sa mga nasawi, nasa 28 iba pa ang naitalang nawawala habang nasa 60 katao ang naitalang sugatan.

Pumalo naman sa higit kalahating bilyong piso ang iniwang pinsala ng Bagyong Usman sa sektor ng agrikultura.

Sa huling tala ng NDRRMC, ang naturang pinsala sa agrikultura ay para pa lamang sa Region 5 at 8.

Aabot naman sa 2, 896 na mga kabahayan ang nasira sa bagyo kung saan 698 dito ay totally damaged.

Nasa halos isang daang lugar naman mula sa MIMAROPA, Region V, VI, at VIII ang lubog pa rin sa tubig baha.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *