Pangulong Duterte
National

Pangulong Duterte at CBCP, nagkasundong ititigil na ang word war

Nag-usap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Romulo Valles sa Malakanyang.

Magiliw na tinanggap ni Pangulong Duterte si Arcbishop Valles sa loob ng Palasyo.

Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, “one-on-one” ang pagpupulong nina Pangulong Duterte at Archbishop Valles.

Alas kuwatro ng hapon, kahapon, July 9,  nang magsimula ang pulong nina Duterte at Valles na tumagal ng tatlumpung minuto.

Pangulong Duterte at Archbishop Valles, nagkasundo

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagkasundo sina Pangulong Duterte at Archbishop Valles na ititigil na ng punong ehekutibo ang mga pahayag laban sa Simbahang Katolika.

Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi laban sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pahayag ng simbahan kaugnay sa mga isyu sa bansa.

Iginiit ng mga obispo na ang kanilang mga pahayag ay paalala lamang sa gobyerno.

Ito ay bilang tugon sa pangamba ng publiko sa sunod-sunod na kaso ng karahasan.

Hinimok din ng CBCP ang mga otoridad na huwag kunsintihin ang mga nasabing kaso.

Bagkus, isipin ang interes at kaligtasan ng mamamayan sa pagpapatupad ng mga kautusan.

Binigyang diin pa ng CBCP na kinikilala nila ang hiwalay na papel ng pamahalaan at simbahan sa pagtingin sa mga issue sa bansa.

Kasabay nito, hinikayat ng simbahan ang publiko na makiisa sa tatlong araw na ayuno at dasal ng mga obispo mula July 17 hanggang July 9.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *