Panganib
National

Panganib ng militarasasyon sa West Philippine Sea, ibinabala  

Maraming panganib na nakikita si dating National Security Adviser Roilo Golez sa ginagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea kung kaya napapanahon na aniya ang paghahain ng diplomatic protest habang nasa isang multilateral negotiation.

 Ibinabala ni dating mambabatas at dating National Security Adviser Roilo Golez ang mga panganib na dala ng militarisasyon ng China sa West Philippine Sea kasunod ng ulat na naglagay ang China ng missile system.

Sa panayam ng programang Usaping Bayan kay Golez, iginiit nito na matinding panganib ang aniyay “lethal weapon” na inilagay ng China sa Mischief Reef na sakop ng ating exclusive economic zone at may layong 130 nautical miles sa Palawan.

Dalawang long range missile umano ang nilagay ng China, o ang “anti-ship cruise missile” na may range na 290 nautical miles na may kakayahang pasabugin ang mga sea assets sa nasabing range at ang “surface to air missile” na may kakayahang pasabugin ang mga nagpapatrolyang air assets na malapit sa Kalayaan Group of Islands.

Ani Golez, hindi na kailangan pang kumpirmahin ang nasabing report dahil mismong ang Chinese government ang umako sa nasabing mga pasilidad.

 Paghahain ng diplomatic protest, napapanahon na

Samantala, nakikita ni Golez ang posibilidad na magkaroon ng communication array at mamonitor ng China ang lahat ng mga communication dito sa bansa.

Batay sa Article 12 Section 2 ng konstitusyon, mandato ng estado na protektahan ang mga karagatang sakop ng Pilipinas pati na rin ang exclusive economic zone.

Art XII, Sec. 2 of Philippine  Constitution: “The state shall protect the nation’s marine wealth in its archipelagic waters, territorial sea, and exclusive economic zone, and reserve its use and enjoyment exclusively to Filipino citizens.   

 Kaya naman mungkahi ni Golez na magsampa na ng diplomatic protest ang administrasyon sa lalong madaling panahon at kundenahin ang China sa kanilang paglabag.

Pabor naman ang dating opisyal sa multi-lateral talks na panukala ng China subalit, mainam na sampahan muna ito ng protesta.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *