galunggong
National

Pangangalaga sa municipal waters, solusyon sa suplay ng galunggong

Maraming Pilipino ang nagulantang sa labis na pagtaas ng presyo ng galunggong dahil itoy umabot na sa 170 pesos ng presyo kada kilo.

Ang pagtaas ay dahil sa mababang suplay nito na resulta ng mahinang huli ng mga mangingisda.

Kaya ang tugon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), pangalagaan ang municipal waters sa bansa.

Sa panayam ng SMNI news, ipinaliwanag ni BFAR Director Undersecretary Eduardo Gongona ang kahalagaan ng municipal waters sa pagpaparami ng lokal na isda.

Kapag mayaman ‘yong municipal water at kapag inaalagaan mo ‘yon, inaalagaan mo ang pagkain ng mga Pilipino,” sabi ni Gongona.

Walang kakayanan ang local fishing kumpara sa commercial fishing para manghuli ng maraming isda sa loob ng municipal fishing grounds.

Nakasaad sa Republic Act 10564 o ang Philippine Fisheries Code of 1998 na bawal ang commercial fishing sa municipal fishing grounds.

“Ang commercial fishing, kailangang mahuli ‘yon para madagdagan ang suplay ng ating local production,” suhestiyon ni Gongona.

Tiniyak ng BFAR na formalin- free ang mga galunggong na aangkatin ng sa susunod na buwan.

Paliwanag ng clinical nutrition specialist na si Dr. Bernie Balabatbat, masama sa kalusugan ng tao ang formalin kaya dapat huwag itong maihalo sa anumang pagkain.

Matatandaan na sinabi ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya-Pilipinas) na nilagyan ng formalin ang mga aangkating galunggong para ma-preserve.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *