pagbisita
International

Pangalawang Trump-Kim Summit napagkasunduan

SA ika-apat na pagbisita ni US Secretary of State Mike Pompeo sa Pyongyang ay napapayag nito si North Korean leader Kim Jong Un.

Kaugnay ito sa paggsagawa ng pangalawang Trump-Kim Summit.

Naganap ang pagpupulong nina Kim at Pompeo nitong linggo na tumagal ng halos dalawang oras.

Maliban dito, napag-usapan din sa pulong ang detalye ng denuclearization steps ng North Korea.

Kabilang na ang inaasam na presensiya ng Amerika sa araw na ganap nang isasagawa ito.

Sa ngayon ay wala pang tiyak na petsa at lokasyon kung saan gaganapin ang pangalawang Trump-Kim Summit.

Sa kaparehong araw ay binisita ni Pompeo ang Seoul para sa isang maikling diplomatic visit.

Samantala, ngayong Lunes ay bibiyahe naman si Pompeo papuntang China.

Para ayusin ang lumalalang trade at military tensions sa pagitan ng dalawang bansa.

Nakatakda rin maganap ang isang trilateral talks sa Moscow ngayong Martes.

Kung saan pag-uusapan ng Russia, North Korea, at China ang napipintong denuclearization sa NoKor.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *