National

Pang. Duterte, tiniyak na hindi na makakabalik sa bansa si CPP Founder Joma Sison

HINDI na umano makakabalik ng Pilipinas ang founder ng Communist Party
of the Philippines (CPP) na si Joma Sison.
Ito ang pagtiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagsasabing sa
ibang bansa na umano mamamatay si Sison na kasalukuyang naka-exile sa
Netherlands.
Tila kinutya pa ng pangulo si Sison na masakit sa isang tao na malapit nang
mamatay na hindi mailibing sa sariling bayan.
Ayon sa pangulo, kapag nagtangkang bumalik sa Pilipinas si Sison ay agad
niya itong ipapaaresto paglapag sa airport.
Samantala, tiniyak ni duterte na hindi siya bubuo ng kowalisyon sa CPP-NPA-NDF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *