National

Pang. Duterte, sinopla si Donald Tusk ng EU

SINOPLA ni Pangulong Rodrigo Duterte si European Union Council President Donald Tusk.
Direktang sinabi ni Duterte kay Tusk na kahit kumain na lamang ng tuyo at kanin ang mga Pinoy ay hindi kailangan ng Pilipinas ang anumang tulong ng EU.
Sa pulong ng dalawang pinuno, muling sinabi ni Pangulong Duterte kay Tusk na hindi tatanggap ng anumang tulong ang Pilipinas mula sa EU.
Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa ASEAN-EU 40th Anniversary Commemorative Summit na bahagi ng ASEAN Summit sa bansa.
Nilinaw ng pangulo na ayaw niyang tumanggap ng anumang tulong na may kaakibat na mga kondisyon.
Magugunita na binatikos ni Duterte ang EU dahil sa patuloy nilang kritisismo sa war on drug ng gobyerno.
 
(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *