National

Pang. Duterte, may panawagan sa ika-154 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilipino na tularan ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio.
Ito ang mensahe ng pangulo sa idinaos na ika-154 na kaarawan ni Bonifacio, na siyang isa sa kinikilalang pamabansang bayani at umano’y unang pangulo ng Pilipinas.
Sabi ng pangulo, bilang isang benipisaryo ng kabayanihan ng rebolusyong pinangunahan ni Bonifacio noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ay obligasyon ng kasalukuyang mga mamamayan ng Pilipinas na isabuhay ito.
Dapat din aniya na labanan sa kasalukuyan ang korapsyon, ilegal na gawain tulad ng kriminalidad, bawal na droga, terorismo at iba pa.
Sa huli hinikayat ng pangulo ang bawat Pilipino na isulong ang pagbabago upang makamtan ang hinahangad na pag-unlad at kapayapaan ng lipunang Pilipino.
(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *