operasyon
National

Palasyo, pinawi ang pangamba sa pinaigting na operasyon sa mga tambay

Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng ilang mamamayan sa pinaigting na operasyon ng pamahalaan laban sa mga tambay.

Kasunod ito ng paghuli ng mga otoridad sa mga tambay sa Metro Manila dahil sa iba’t ibang paglabag sa city ordinances.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi dapat mabahala ang sinuman na walang ginagawang masama at mabuting miyembro ng komunidad.

Hindi ito krimen

Una nang ipinunto ni Senador Francis Pangilinan na hindi na isang krimen ang vagrancy.

Habang binatikos ni Akbayan Partylist Representative Tom Villarin ang operasyon laban sa mga tambay.

Maaalalang dahil ganito aniya ang sitwasyon noong panahon ng Martial Law.

Iimbestigahan naman ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga reklamo laban sa anti-loitering drive na posibleng may paglabag sa karapatan ng mamamayan sa freedom of movement at maaaring magdulot ng pangamba sa publiko.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *