National

Palasyo, masaya sa pagtingala ng ibang bansa sa drug war ng Pilipinas

Palasyo ikinatuwa ang paglook-up ng ibang bansa sa Pilipinas sa kampanya nito kontra sa iligal na droga.

Ito ay matapos ipahayag ng pamahalaan ng Sri Lanka na balak nitong buhayin ang capital punishment para sa mga pabalik-balik na drug offenders nito kasunod ng tagumpay na drug war ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinatutuwa nilang nakikita ng ibang bansa ang best practice ng Pilipinas para masawata ang paglaganap ng iligal na droga,

Gayunpaman, ipinunto ni Roque hindi kagaya ng Sri Lanka na walang death penalty ang Pilipinas at wala pa sa punto ang admnistrasyon na gawin ito sa kabila nang nagpahayag na noon ng interes ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Enrile, suportado ang Pangulong Duterte sa pakikitungo sa China

Suportado ni dating Senate President Juan Ponce Enrile si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga polisiya pagdating sa kriminalidad at pakikitungo sa China.

Ginawa ng dating senador ang pagbibigay suporta sa pangulo sa kanyang pagdalo sa pre-trail ng kinahaharap nitong kaso sa Sandiganbayan.

Giit ni Enrile, tama lamang ang pakikipagkaibigan ng pangulo sa China kaysa igiit ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa usaping ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Aniya, ano bang meron ang ating bansa kumpara sa kakayahan ng China pagdating sa pakikipag-giyera.

“They have aircraft carriers. They have submarines. Missiles. What do we have? Kwitis. They have more than a million army, how many do we have?” Ex-Senate President, Juan Ponce Enrile

Dagdag pa ni Enrile, hindi nito nakikitang hahayaan ng pangulo na makompromiso ang soberenya ng bansa sa pakikitungo sa China.

Pasalamat pa din aniya ang bansa, dahil sa nakikipag-usap sa atin ang china.

“At least they are talking to us. The moment they ignore us then we should worry. They are reaching us, we should welcome it,” – ?” Ex-Senate President, Juan Ponce Enrile.

Samantala, kaugnay naman sa nagkalat na “Welcome to the Philippines, Province of China” tarpaulins, sinabi ni Enrile na posibleng gawa ito ng mga pranksters.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *