Kamara
National

Palasyo, handang makatrabaho ang bagong liderato ng Kamara

Wala sa posisyon ang Malakanyang para magsalita kung naging tama o mali ang proseso ng pagpapalit ng liderato ng Kamara.

Nagpahayag naman ito ng kahandaan para makatrabahao si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Naging kontrobersyal ang naging kaganapan sa Batasang Pambansa Complex nang manumpa si Arroyo bilang bagong House Speaker ilang minuto bago simulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang State of the Nation Address (SONA).

GMA, dalawang beses nanumpa

Dalawang beses nanumpa bilang House Speaker si Arroyo dahil na rin sa naging isyu na hindi tama ang proseso ng pagpapalit ng liderato ng Kamara.

Pagkatapos ng SONA nagsagawa muli ng botohan ang mga mambabatas kung saan mayorya sa mga ito ang pumabor para palitan si Davao del Sur Representative Pantaleon Alvarez.

Ayon sa Malakanyang nakahanda silang kilalanin at makatrabaho bagong liderato ng Kamara na binoto ng mayorya.

“We are ready to work with the chosen leader of the House of Representatives.
And because, Mrs.—Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo is now the House Speaker.
We are of course able and ready to work with Speaker Arroyo .” – Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson

Umaasa ang Malakanyang na sa pamumuno ni Arroyo ay malaki ang maitutulong nito sa pagsusulong ng legislative agenda ng admnistrasyon.

Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *