National

Palasyo at Kamara, nagkasundo sa paglatag ng 2019 National Budget

Iginiit ni House Majority Leader Rolando Andaya na nagkasundo na ang Palasyo at Kamara sa paglalatag ng pambansang budget sa 2019.

Iginiit ni Andaya na nagkaroon ng kompromiso ang liderato ng Kamara at si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa “cash based-budgeting system” na tinututulan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Andaya, “hybrid” ang magiging sistema ng budget.

Kung saan ibabalik ng DBM ang kinaltas na pondo sa maraming ahensya ng pamahalaan.

Kapwa ipapatupad sa hybrid system ang bagong cash-based budgeting system at ang nakagisnang obligation based budgeting sa mga ahensya ng pamahalaan.

Idadaan na lamang sa re-alignment ang mga budget na ibabalik sa ahensya ng gobyerno.

Nakatakdang maghain ng supplemental budget ang Malakanyang

Magpapatawag ng caucus ang liderato ng Kamara para ipaliwanag sa mga kongresista ang napagkasunduan ng Kamara at Malakanyang hinggil sa budget.

Imumungkahi ni Andaya kay House Appropriations Committee Chairman Representative Karlo Nograles na ituloy na ang budget deliberations matapos ang naganap na pulong kay Pangulong Duterte.

Magugunitang, hindi itinuloy ng House Committee on Appropriations ang deliberasyon ng 2019 nataional budget kasunod na rin ng pagtutol ng maraming kongresista sa cash based-budgeting system.

MJ Mondejar

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *