praktikal
National

Pakikipag-kaibigan ni Duterte sa China, praktikal na paraan

Naging praktikal lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging hakbang nito na pakikipagkaibigan sa bansang China.

Ito ang iginiit ni George Siy, Presidente ng Integrated Development Studies Institute (IDSI) sa panayam ng SMNI sa programang Usaping Bayan kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea.

Naniniwala si Siy na madaling mareresolba ang alitan sa pagitan ng mga bansa kapag idinadaan sa pagkakaibigan at pagkakaroon ng maayos na pag-uusap.

Ayon kay Siy, “Our position is that Duterte’s position is a practical one. We are not saying that the earlier administration was wrong.”

“But  Duterte is continuing to negotiate and in fact he leads the ASEAN na nagkaupo uli with china, so we have a progress here kaysa sa dati mukhang magkakagulo.”

Binigyang-diin din ni Siy na dapat panatilihin ng bansa ang diplomatic protest pero huwag isusulong ang military solution patungkol sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea dahil hindi aniya ito makareresolba sa territorial dispute.

Inihayag naman ni Siy na hindi banta  ang China kasunod ng isyu ng unti-unti umanong pagsakop nito sa Pilipinas matapos itong mag-deploy ng bomb airplane at missile system maging ang paggawa nito ng artificial island.

Punto ni Siy, ang naturang territorial dispute ay isang geopolitical issue kung saan gaya ng pagpayag ng Philippine government sa Amerika na magtayo ng US bases sa bansa.

Ayon kay Siy, “China is not a threat of one thing that want to invade the Philippines. This territorial issue is a geopolitical issue that they are thinking of it as a defence view point because we have allowed missilies of US bases here.”

 Usapin sa West Philippine Sea, may progreso

Sa kabuuan ani Siy, hindi niya sinasabing perpekto ang ginagawa ng Administrasyong Duterte pero nagkakaroon aniya ng progreso ang Pilipinas ngayon kung ikumpara noong nakaraang rehimen.

Kabilang na sa palatandaan ng paglago ng Pilipinas ay hindi lamang sa ekonomiya kundi pati na rin sa teknolohiya, mga paliparan, proseso ng visa at pagpasok ng investments sa bansa.

Magugunitang sa panahon ng Duterte Administration nang makapangisda muli ang mga Pilipinong mangingisda na hindi nila nagawa ng nakaraang administrasyong dahil sa tension na mayroon ang Pilipinas at China.

Cresilyn Catarong

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *