masamang plano
National

Pahayag ni De Lima sa masamang plano si Pang. Duterte, guni-guni lang – Malakanyang

GUNI-guni lamang umano ni Senador Leila De Lima ang pahayag nito na may masamang plano si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod sa sinabi ni De Lima kaugnay sa paninira ni Pangulong Duterte sa imahe ni Robredo.

Ayon kay De Lima may plano umano ang pangulo na alisin sa puwesto si Vice President Leni Robredo.

Paraan lamang umano ang paninira upang mas madali ang pagtanggap ng publiko sa posibleng pagkapanalo ni dating Senador Bongbong Marcos sa poll protest nito.

Ang naturang poll protest ay iniharap sa Presidential Electoral Tribunal.

Ayon kay Roque, “prison hallucination” lamang daw ito ni De Lima na kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.

Sinabi ni Roque na ang kapalaran daw ni Robredo ay nakasalalay sa kamay ng Supreme Court at hindi kay Pangulong Duterte.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *