National

Pagtugis sa ASG sa Bohol, pahirapan — Chato


Aminado ang Lokal na Pamahalaan ng Bohol na pahirapan pa rin ang pagtugis sa nalalabing mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa naturang probinsiya.
Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Bohol Governor Edgar Chato na nakalabas na sa Bayan ng Clarin ang tatlong Abu Sayyaf pero patuloy pa ring pinaghahanap ang mga ito ng mga awtoridad.
Nagsasagawa na rin ng operasyon ang militar sa kalapit na barangay ng Clarin matapos makatanggap ng impormasyon na may kahina-hinalang taong nakita sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *