MMDA
Metro

Pagtatanggal ng provincial buses sa EDSA, band-aid solution lang

“Wala kang karapatan manaway kung isa kang pasaway.”

Ito ang naging pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa mga tao na patuloy na nagrereklamo sa mga polisiya na nakahandang gawin ng LTFRB at MMDA para sa ikakaayos ng trapiko sa bansa.

Inulan ng kritisismo ang MMDA matapos magdesisyon ang mga ito na tanggalan ng biyahe ang mga provincial stations sa EDSA.

Kasama na ang pagkakaroon ng car pooling policy at mga nakahandang polisya para  sa mga iba pang  motorista.

Depensa ni Garcia sa halip na puro reklamo ang publiko ay tingnan ang benepisyo  ng mga polisiya.

Ayon pa sa kanya, band-aid solution lamang ang pagtatanggal ng provincial buses sa EDSA.

Ito ay habang ginagawa pa ang iba pang mga alternatibong ruta.

Siniguro naman ni Garcia na ang polisiya ng car pooling ay hindi lamang para mabawasan ang sasakyan sa EDSA.

Makakatulong din ito para makatipid pang lalo ang publiko.

Sa ilalim ng bagong polisya sa mga provincial buses, ang mga bus na mula sa North ay hanggang Cubao na lamang.

Ang mga manggagaling  sa South ay hanggang Pasay na lamang sa mga oras na  mula 5:00 am hanggang 10:00 am at mula 4:00 pm hanggang 9:00 pm.

Sakaling maipatupad ang modified car pooling policy ay bawal na sa EDSA ang iisang tao sa sasakyan, Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 am hanggang 8:00 pm.

Margot Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *