human rights
National

Pagtanggal ng katagang “human rights” sa Federal Constitution, ikinababahala ni Sen. de Lima

Ikinababahala ni Senador Leila de Lima ang pagtanggal ng katagang “human rights” sa ipinanukalang Federal Constitution ng Consultative Committee (ConCom).

Kinuwestyon ni de Lima, na isang kilalang human rights advocate, kung sinadya nga ba ng ConCom ang pagtanggal ng nasabing kataga.

“I have a question for the Consultative Committee. How come the phrase ‘human rights’ is no longer found in the Article on Declaration of Principles and State Policies?”   Sen. Leila de Lima

 Pinuna ng senadora ang Article 2 Section 11 ng 1987 Constitution at Section 13 Article 2 ng panukalang Federal Constitution.

Ayon kay de Lima, naksaad sa Article II Section 11 ng 1987 Constitution na pinahahalagahan ng bansa ang dignidad ng bawat tao at ginagarantiya ang buong respeto sa human rights.

Ayon sa Article II Section 11 ng 1987 Constitution, “The state values the dignity of every human and guarantees full respect for human rights.”

Ngunit sa Section 13 Article II ay kapansin-pansin na tinanggal na ang katagang human rights.

Sa Section 13 Article II ng Proposed Federal Constitution,  “The Federal Republic values the dignity of every person and guarantees full respect for the person and the right of all citizens to participate in all government processes.”

Dahil dito ay iginiit ng senadora na mahirap ipagkatiwala ang pagrebisa sa konstitusyon sa isang pamahalaan na lantaran ang pang-aabuso sa kapangyarihan at paulit-ulit na nililinlang ang taumbayan.

Matatandaan na isinumite ng ConCom ang draft ng Federal Constitution kay Pangulong Duterte noong July 9 at nakatakda itong pagdebatehan ng kongreso ngayong buwan.

Admar Vilando

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *