TRAIN Law
National

Pagsuspende ng TRAIN Law, pinag-aaralan

Pinag-aaralan ngayon ng Kamara kung paano sususpendihin ang umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law sa bansa.

Ito’y ayon kay Rep. Dakila Carlo Chua, chairman ng House Committee on Ways and Means, para matugunan ang nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Cua na maaaring suspendihin ng mababang kapulungan ng kongreso ang implementasyon ng buwis sa pamamagitan ng lehislasyon o legislative process.

Ayon kay Cua, pinag-aaralan na ng komite kung paano irerekomenda ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kay Pangulong Duterte na suspendihin ang ipinatutupad na excise tax at value added tax sa mga produktong langis.

Matatandaan na ipinagmalaki ng BIR na kumita sila ng P12.5-B sa unang quarter ng taon matapos ipatupad ang TRAIN Law.

Excise tax sa mga oil products, ipinapa-roll back

Hinikayat ni Senador Bam Aquino ang gobyerno na i-roll back ang excise taxes sa produktong petrolyo na umiiral ngayon sa ilalim ng tax reform program.

Sinabi ni Aquino na isa ito sa paraan para maalis ang pasanin ng taumbayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Si Aquino ang isa sa apat na senador na tumutol sa ratipikasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ginawa ni Aquino ang pahayag matapos i-anunsyo ng Department of Energy (DOE) na pinapayagan ng TRAIN Law ang agarang suspensiyon sa excise taxes sa produktong petrolyo.

Nilinaw ng DOE na saklaw ng suspensyon ang dagdag na excise tax sa 2019.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *