Xiamen airplane
National

Pagsadsad ng Xiamen airplane sa NAIA, dapat may managot

Ginarantiya ng Palasyo na may mapapanagot sa ilang araw na aberya sa NAIA dulot ng insidente sa Xiamen airplane noong Biyernes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kahit siya ay kabilang sa naaberya ang flight dahil sa insidente.

Naniniwala ang Palasyo na hindi lang basta paghingi ng tawad ang inaasahan nila mula sa Xiamen Airline gayong libu-libong pasahero ang naapektuhan sa nangyari.

May mga ginagawa nang paraan ang pamahalaan para hindi na maulit muli ang matinding congestion sa NAIA dulot ng isa lamang insidente.

Ikinukonsidera ng Manila International Airport Authority o miaa na magtayo ng bagong paliparan sa labas ng Metro Manila.

Una nang ipinanawagan ni Sen. JV Ejercito ang isang Twin Airport System sa bansa sa pagitan ng Clark at NAIA kagaya ng Haneda at Narita airports sa Tokyo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *