National

Pagpatay sa mga pari, walang koneksyon sa bawat isa

Itinanggi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na may pattern ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga pari sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Iginiit ni Albayalde na mayroong magkakaibang motibo ang pagpatay sa tatlong pari na sina Fr. Richmond Villaflor Nilo, Fr. Marcelito “Tito” Paez at Fr. Mark Ventura.

Kumpiyansa si Albayalde sa suporta ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa internal cleansing program ng PNP at ang pakikiisa mga diocese sa paggamot at rehabalitasyon ng mga drug offenders.

Nagkasundo rin ang PNP at CBCP na magsasagawa ng regular na dayalogo para matukoy ang mga lugar na kailangan ng kanilang kolaborasyon.

Recruitment process ng PNP, hihigpitan pa

Hihigpitan na ng Philippine National Police (PNP) ang recruiment process sa mga gustong pumasok sa Philippine National Police.

Kasunod ito sa pagkakaaresto sa tatlong bagitong pulis ng Manila Police District na nangongotong ng tatlong daang piso (P300) sa mga naaresto dahil sa paglabag sa city ordinances.

Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na may problema sa proseso ng pagre-recruit kaya nakakapasok ang mga scalawags sa police force.

Ayon kay Albayalde, dapat maging mahigpit ang PNP sa background investigation ng mga aplikante.

Aniya, mananagot ang sinumang magsasagawa ng background check sa isang pumasang aplikante na may standing warrant of arrest.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *