positive development
National

Pagpasok ng ikatlong telco player isang positive development

ITINUTURING ng Malacañang na positive development ang pagpasok ng ikatlong major telecommunications player sa bansa.

Matagal nang naghihintay ang publiko para sa isang maaasahan, mahusay at murang serbisyo sa telecommunications.

Ayon ito kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Dinepensahan din ni Panelo ang proseso sa pagpili ng third telco player.

Pasado aniya sa preliminary selection process ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Mislatel Consortium bilang provincial third telco player.

Iginiit nito na ang naganap na proseso ay transparent at patas at naaayon sa mga umiiral na batas at mga regulasyon.

Para maging patas sa mga hindi napiling bidder ay maaari pa naman aniya ang mga itong umapela sa tamang ahensya.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *