Malakanyang
National

Pagpaslang kay Vice Mayor Lubigan, kinondena ng Malakanyang

Mariing kinondena ng Malakanyang ang pananambang at pagpatay kay Trece Martirez, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya ng napaslang na bise alkalde.

Kasabay nito, inatasan din ng Malakanyang ang Pambansang Pulisya na magsagawa ng patas at malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagpatay kay Lubigan.

Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na gagawin ng pamahalaan ang lahat para malaman ang ugat ng insidente.

Nanawagan din si Roque ng pagkakaisa upang matuldukan na ang mga insidente ng karahasan kontra sa ilang mga local officials.

Task force na mag-iimbestiga sa pagpatay kay Lubigan, binuo ng PNP

Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang PNP na mag-iimbestiga sa pagpatay kay Trece Martirez Vice Mayor Alexander Lubigan.

Matatandaan na napatay si Lubigan matapos tambangan ng mga hindi pa nakilalang suspek nitong Sabado.

Kinumpirma naman ni PNP Chief Oscar Albayalde na hindi kabilang sa narco-list at hindi sangkot sa illegal drug trade  ang napatay na bise alkalde.

Pultika ang tinitingnan motibo ng PNP Region 4-A sa pamamaslang.

Pinag-aaralan ngayon ng binuong Special Investigation Task Group ng PNP.

Ang mga nakalap na CCTV footage sa pananambang kay Lubigan.

Makikita sa video footage ang pagbaril ng mga suspek sa sasakyan ng bise alkalde ng mga hindi nakilalang salarin sa labas ng Korean-Philippines Hospital.

Sa ngayon ay nire-rebyu ng PNP ang lahat ng mga CCTV sa lugar para matukoy ang mga suspek.

Pinaigting din ng Trece Martirez Police ang pagpapatrolya sa mga lugar na maaaring pagtaguan ng mga suspek.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *