Bangsamoro Organic Law
National

Pagpasa ng Bangsamoro Organic Law, ikinatuwa ng mga Moro

Ikinatuwa ng iba’t ibang Moro Group ang pagkakapasa ng panukalang Bangsamoro Organic Law sa Bicameral Conference Committee.

Para kay Bangsamoro Transition Commission Chairman Ghadzali Jaafar, bagamat hindi perpekto ang reconciled version ng BBL ay magandang simula at napakahalaga nito para sa kanila.

Sinabi naman ni dating MILF Chief Peace Negotiator Mohagher Iqbal halos walumpu’t lima (85%) hanggang siyamnapung porsyentong (90%) compliant ang nabanggit na reconciled version sa 2014 Peace Agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng kanilang grupo.

 Samantala, umaasa si Anak-Mindanao Partylist Rep Amihilda J. Sangcopan na tuloy-tuloy na ang pagpasa sa BBL na matagal na nilang ipinaglalaban.

Hangad naman ni Sangcopan na kapag napirmahan na ni Pangulong Duterte ang panukala, ay magkakaisa na ang lahat ng Moro sa paghangad ng matiwasay na pamumuhay sa sarili nilang rehiyon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *