cash-based
National

Pagpapatupad ng cash-based system, labag sa Sin Tax Law

Lalabag sa sarili nitong batas ng pamahalaan kung ipapatupad ang cash-based budgeting system para sa implementasyon ng 2019 national budget.

Ayon kay House Appropriations Chairman Davao Representative Karlo Alexei Nograles, ginawa ang Sin Tax Law para sa pagpapatayo ng karagdagang health facilities na isa sa mga pinaka-kailangan ng mga Pilipino.

Subalit ani Nograles, malinaw na paglabag sa Sin Tax Law kung mababawasan sa cash- based budgeting  ang pondo ng DOH sa pagpapatayo ng mga health centers at facilities sa buong Pilipinas.

Sa ngayon ay nanawagan sila sa DBM na irekonsidera ang pag-adopt sa cash based system at ibalik ang dating sistema ng pamamahala sa pambansang pondo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *