pagpapaliban
National

Pagpapaliban ng 2019 elections, inalmahan

Inalmahan ng ilang senador ang isinusulong na People’s Initiative ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ang People’s Initiative ay para sa pagpapaliban ng 2019 midterm elections.

Ang kanilang pag-alma ay upang matutukan ang pagpapalit ng porma ng gobyerno patungo sa Pederalismo.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na kahit anong mode ang gamitin sa pagbabago ng konstitusyon ay may partisipasyon ang senado.

Ang Pagpapaliban ng eleksyon ay pag-aaksaya ng pera

Ayon naman kina Senador Koko Pimentel at Sherwin Gatchalian, pag-aaksaya lamang ng pera at oras ang mungkahi ni Alvarez.

Magiging mitsa din ito ng pagkakahati-hati ng mga pulitiko sa bansa.

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi maaari ang People’s Initiative para sa revision ng konstitusyon dahil ang gusto umano ni Alvarez ay baguhin ang termino ng mga elected officials.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *