Duterte
National

Pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao, malaking tyansang aprubahan

POSIBLENG aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong palawigin pa ng isang taon ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malaki ang tiwala ng pangulo sa rekomendasyon ng AFP at PNP.

Dahil sila ang nasa ground at nakakaalam kung kailangan ito o hindi.

Kaya aniya sa tuwing may irerekomenda ang militar at pulisya ay pag-aaralan ito ng punong ehekutibo.

At kinalaunan ay sasang-ayon din ito.

Gayunman, sinabi ni Panelo na kailangan pa ring desisyunan ng Kongreso ang nasabing rekomendasyon.

Kahit naisin ng pangulo na palawigin pa ang batas militar sa Mindanao.

Samantala, nagsagawa ng kilos-protesta ang mahigit dalawandaang militante sa harapan ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Ito ay para tutulan ang muling pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Kabilang sa mga sumugod sa Camp Aguinaldo ang mga Lumad, Moro at human rights advocates.

Dahilan sa pagpapalawig ng Martial Law, inisa-isa ng DND

INISA-isa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga dahilan.

Kung bakit kailangan pang palawigin ng isa pang taon ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Lorenzana, layunin ng isa pang extension ng batas militar na tiyak na maubos ang mga terorista sa rehiyon.

Ito aniya ay dahil may natanggap silang ulat.

Na aniya ay may ilang terorista mula sa mga karatig-bansa ang nakakalat sa Sulu, Basilan at iba pang bahagi ng Mindanao.

At patuloy pa rin ang proseso ng berepikasyon hinggil dito.

Dagdag ni Lorenzana, nahihirapan silang matunton ang mga natitira pang miyembro ng grupong Maute at ilang terorista.

Dahil protektado sila ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at may mga Abu Sayyaf members pa sa Jolo Sulu at Basilan.

Sinabi ng kalihim na bukod sa nais ng publiko na mapalawig pa ang Martial Law sa Mindanao ay kailangan din maprotektahan ang nakatakdang plebesito.

Ito ay sa Bangsamoro Organic Law (B.O.L.) na nakatakda na sa Enero  2019.

At ang nalalapit na midterm elections sa Mayo sa susunod na taon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *